NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Tatlong beses nagbuga ng ash plumes ang Bulkang Kanlaon noong Linggo ng Pagkabuhay, ayon sa Phivolcs.
Sa isang social media post, sinabi ng ahensya na ang bulkan sa Negros Island ay nagbuga ng abo sa tatlong pagkakataon na nagsimula alas-1:10 ng hapon, 3:10 ng hapon, at 5:09 ng hapon, batay sa obserbasyon ng Kanlaon Volcano Observatory-Canlaon City (KVO-CC).
Umabot sa taas na 350 metro hanggang 1,200 metro mula sa bunganga ng bulkan ang mga ibinugang abo.
Nananatili ang Alert Level 2 sa Bulkang Kanlaon, na nagkaroon na ng tatlong moderately explosive eruptions ngayong taon—noong Pebrero 19, Pebrero 26, at Marso 15.
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng apat na kilometrong permanent danger zone (PDZ) ng bulkan. RNT/MND