Home METRO 1 arestado sa P6.8M tobats sa Zambo

1 arestado sa P6.8M tobats sa Zambo

96
0

ZAMBOANGA, Philippines – Isang suspek ang naaresto matapos makuhanan ng tinatayang ₱6.8 milyong halaga ng shabu sa isang anti-drug operation sa Zamboanga City nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency–Zamboanga Peninsula (PDEA9) Director Bryan Babang ang suspek na si alyas “Mahadil,” 37 taong gulang at isang motorcycle taxi driver.

Naaresto ang suspek sa buy-bust operation na isinagawa ng pinagsanib na PDEA at pulisya bandang 7:38 a.m. sa Barangay Lunzuran.

“Seized from the suspect were four heat-sealed transparent plastic packs containing suspected shabu weighing about 1,000 grams,” ayon kay Babang.

Nakuha rin sa operasyon ang limang bundle ng boodle money at mga identification card.

Ayon sa PDEA, nakadetine na ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Samantala, noong Marso 31, dalawa pa ang naaresto at tinatayang ₱3.4 milyon na shabu ang nasamsam sa hiwalay na operasyon matapos ang engkwentro sa boundary ng Tungawan, Zamboanga Sibugay at Barangay Licomo, Zamboanga City, kung saan isa sa mga suspek ang nasugatan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here