Home NATIONWIDE 579 PDLs sa Bilibid, sumailalim sa ALS exams

579 PDLs sa Bilibid, sumailalim sa ALS exams

123
0

MANILA, Philippines – Aabot sa 579 persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang kumuha ng Alternative Learning System (ALS) Accreditation and Equivalency (A&E) examination upang makapagtapos ng elementarya at junior high school.

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), isinagawa ang pagsusulit noong Marso 29. Kabilang sa kumuha ng exam ang 161 para sa elementary level at 418 para sa junior high school.

Ang ALS A&E test ay isang assessment na sumusukat sa kaalaman at kasanayan ng mga ALS learners batay sa K to 12 Basic Education Curriculum. Kapag pumasa, makakatanggap sila ng certificate o diploma na kinikilala ng Department of Education (DepEd).

Isinagawa ang eksaminasyon ng BuCor Education and Training Section (ETS) katuwang ang mga proctor mula sa DepEd-ALS Bayanan.

Bago ang exam, isinailalim muna sa orientation ang mga PDLs at tiniyak din ang seguridad sa loob ng pasilidad upang mapanatili ang kaayusan habang isinasagawa ang pagsusulit. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here