Home NATIONWIDE Impeachment process vs VP Sara, ipinagtanggol ng mga Kongresista

Impeachment process vs VP Sara, ipinagtanggol ng mga Kongresista

120
0

MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ng ilang mambabatas ang ginagawang impeachment proceedings ng House of Representatives laban kay Vice President Sara Duterte, at iginiit na sumusunod ito sa desisyon ng Korte Suprema.

Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, ang mga pagdinig ng House justice committee ay alinsunod sa ruling ng Korte Suprema na nag-aatas ng mas maayos na due process sa mga kasong impeachment.

“Sabi nga nung nag-pen nito nasi Associate Justice [Marvic] Leonen, the House should be conscious about observing due process to be given to the respondent. And that is exactly what we are doing right now,” ani Adiong.

Ipinaliwanag niya na inayos na ng Kamara ang proseso nito matapos ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang naunang impeachment noong 2025, at nagbigay ng dagdag na gabay para sa patas na pagdinig.

“So, we cannot be selective on how we respect the constitutional mandate…,” dagdag niya.

Samantala, sinabi ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores na maaaring ituring na waiver ang hindi pagdalo sa hearing kung nabigyan naman ng pagkakataon ang respondent na magsalita.

“For as long as they were given the opportunity to be heard and they did not avail of that opportunity,” aniya.

Nilinaw rin niya na imbitasyon lamang ang pagdalo sa mga hearing, ngunit maaaring mag-issue ng subpoena kung kinakailangan, kabilang ang ilang opisyal at abogado na may kaugnayan sa kaso.

Ang House justice panel ay nag-apruba na noong Marso 25 ng mga subpoena kaugnay ng impeachment proceedings laban kay Duterte. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here