Home METRO Taal nagtala ng phreatic eruption

Taal nagtala ng phreatic eruption

123
0

BATANGAS, Philippines – Nagkaroon ng “very weak phreatic eruption” ang Taal Volcano sa Batangas nitong Lunes ng madaling araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa ulat, nangyari ang steam-driven explosion—na lokal na tinatawag na “pusngat”—bandang 3:08 a.m. at tumagal ng humigit-kumulang dalawang minuto. Umabot sa 200 metro ang taas ng ibinugang usok mula sa crater lake.

Ang phreatic eruption ay isang uri ng pagsabog na dulot ng singaw kapag ang tubig ay umiinit dahil sa magma o mainit na bato sa ilalim ng lupa, paliwanag ng Phivolcs.

Sa loob ng nakalipas na 24 oras, nakapagtala rin ng siyam na volcanic earthquakes at pitong volcanic tremors na tumagal ng isa hanggang dalawang minuto.

Nauna nang naitala ang pagtaas ng seismic activity, kabilang ang 11 tremors noong Linggo, kasunod ng mas aktibong mga pagyanig sa mga nakaraang araw.

Ayon sa Phivolcs, umabot sa 1,097 metric tons ang mahinang sulfur dioxide (SO₂) emissions, ngunit wala namang naobserbahang volcanic smog o paglabas ng mainit na likido sa crater lake.

Mananatili ang Taal Volcano sa Alert Level 1, na nangangahulugang low-level unrest pa rin ito.

Muling nagpaalala ang ahensya na ipinagbabawal ang pagpasok sa Volcano Island, paglalayag sa Taal Lake, at paglipad ng aircraft malapit sa bulkan dahil sa patuloy na aktibidad nito. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here