Home NATIONWIDE Jinggoy balik-Pinas na galing Hong Kong, Macau at Japan

Jinggoy balik-Pinas na galing Hong Kong, Macau at Japan

120
0

MANILA, Philippines – Nag-abiso si Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan na nakauwi na siya ng Pilipinas mula sa mga biyahe nito sa Hong Kong, Macau at Japan mula Marso 31 hanggang Abril 5.

Suot ng striped polo shirt ay nag-report si Estrada sa korte bilang tugon sa requirement na nakaugnay sa approval ng kanyang overseas travel.

Kailangan kasi nitong humingi ng permiso sa korte tuwing babiyahe palabas ng bansa dahil sa kinakaharap nitong 11 counts ng graft kaugnay sa umano’y maling paggamit ng kanyang discretionary o Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa kanyang termino bilang senador mula 2004 hanggang 2010.

Si Estrada ay kasalukuyang nakakalaya sa bail dahil ang graft ay isang bailable offense.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa isyu ng PDAF allocations patungo sa non-government organizations ng businesswoman na si Janet Lim-Napoles kapalit ng mga kickback. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here