Home NATIONWIDE Posibilidad ng 45-day ceasefire tinatalakay ng US, Iran at mediators – report

Posibilidad ng 45-day ceasefire tinatalakay ng US, Iran at mediators – report

122
0

UNITED STATES – Pinag-uusapan ng US, Iran at grupo ng regional mediators ang mga termino para sa posibleng 45-day ceasefire na maaaring magdulot ng permanenteng pagtatapos ng giyera, iniulat ng Axios nitong Linggo, Abril 5.

Ang report ay mula umano sa apat na US, Israeli at regional sources na may kaalaman sa naturang usapan.

Hindi rin agad na tumugon ang White House at US State Department sa kumpirmasyon tungkol sa balitang ito.

Pinag-uusapan umano ng mediators ang termino para sa two-phased deal at sinabing ang unang phase ay ang posibleng 45-day ceasefire kung saan pag-uusapan naman ang permanente nang pagtatapos ng giyera.

Ang ikalawang phase ay ang kasunduan ng pagtatapos ng giyera.

Posible rin anila na palawigin ang ceasefire kung kinakailangan pa ng dagdag na oras sa pag-uusap. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here