Home METRO PCG nagsagawa ng rescue operation sa insidente ng pagkalunod ng menor de...

PCG nagsagawa ng rescue operation sa insidente ng pagkalunod ng menor de edad sa Albay

132
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-station (CGSS) Tabaco, kaugnay sa isang insidente ng pagkalunod ng isang menor de edad sa Barangay Fatima, Tabaco City, habang nagsasagawa ng regular na seaborn patrol sakay ng AB-209 nitong Linggo ng Pagkabuhay.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng CGSS Tabaco nang mamataan ang insidente at mabilis na nailigtas ang menor de edad mula sa tubig.

Upang matiyak ang kaligtasan at maayos na kalagayan ng biktima, kaagad na nagbigay ng paunang lunas ang rescue team.

Nakipag-ugnayan din ang Philippine Coast Guard (PCG) sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) Tabaco upang humingi ng karagdagang tulong at masigurong mabibigyan ng kaukulang atensyong medikal ang biktima.

Patuloy na pinaaalalahanan ng CGSS Tabaco ang publiko lalo na ang mga magulang at tagapag-alaga, na bantayang mabuti ang mga bata kapag malapit sa dagat.

Maaaring mangyari ang pagkalunod sa loob lamang ng ilang minuto at kadalasang walang babala, lalo na ngayong panahon ng tag-init. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here