Home NATIONWIDE LRT-2 may #LibrengSakay sa Araw ng Kagitingan

LRT-2 may #LibrengSakay sa Araw ng Kagitingan

90
0

MANILA, Philippines – Magbibigay ang Light Rail Transit Authority (LRTA) ng libreng sakay sa LRT-2 para sa publiko sa Huwebes, Abril 9, 2026, bilang paggunita sa ika-84 na anibersaryo ng Araw ng Kagitingan.

Sa advisory na inilabas nitong Lunes, sinabi ng LRTA na maaaring makakuha ng libreng sakay ang mga pasahero mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Ang anunsyo ay kasunod ng naunang pahayag ng Metro Rail Transit 3 na magbibigay rin ito ng libreng sakay para sa mga beterano mula Abril 6 hanggang 11.

Ang Araw ng Kagitingan, na ipinagdiriwang tuwing Abril 9, ay isang regular holiday. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here