Home NATIONWIDE Forest fire sumiklab sa Mt. Halcon

Forest fire sumiklab sa Mt. Halcon

135
0

MANILA, Philippines – Nagpapatuloy ang forest fire sa Mount Halcon sa Oriental Mindoro mula pa noong Abril 4.

Sa naunang report, hindi pa rin naaabot ng mga responder ang lugar ng sunog dahil sa kakulangan nang maayos na trail dahilan para mapabagal ang containment efforts sa sunog.

Nitong Martes, Abril 7, nagsagawa ng aerial inspection ang Oriental Mindoro Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Baco sa fire-affected area sa Barangay San Ignacio para suriin ang lawak ng pinsala at alamin ang kasalukuyang kondisyon ng bundok.

Gumamit ng drone ang mga awtoridad para i-survey ang sunog para sa mas komprehensibong lawak ng apektadong lugar at malaman ng mga responder ang sitwasyon ng sunog.

Wala namang residential structure na nasira sa sunog, ayon sa preliminary report ng Bureau of Fire Protection sa Baco.

Kinumpirma rin ng mga opisyal na malayo ang sunog sa mga bahay ng indigenous Mangyan communities.

Nakikipag-ugnayan na ang mga awtoridad sa iba pang ahensya para masiguro ang kaligtasan ng publiko at makapagbigay ng agarang tulong sa mga maaapektuhang residente.

Hindi pa alam ang sanhi ng sunog at nagpapatuloy pa rin ang assessment ng environmental damage dahil dito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here