MANILA, Philippines – TIMBOG ang isang high value individual (HVI) sa ikinasang buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng RO-NCR RSET2, RO-NCR SOUTHERN DISTRICT OFFICE, at PNP DEG-IFLD nitong Lunes ng hapon, Abril 6 sa Taguig City.
Nakumpiska mula sa suspek na si alyas Raso Saba ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu ng lead group PDEA RO NCR RSET2 sa pangunguna ni IA III Gerald Javier.
Dakong 5:00 ng hapon ng Abril 6, 2026 sa Mindanao Ave, malapit lamang sa barangay hall ng Brgy. Maharlika, Taguig City nang makipagtagpo ang big-time pusher sa hindi niya nakilalang poseur buyer.
Makaraan ang bentahan ng shabu, at pre-arrange signal sa mga PDEA at PDEG operatives, pinagsalikupan na ang suspek at nakuha sa kanya ang tinatayang 500 gramo ng shabu na may street price na P3,400,000.00.
Kabilang sa mga nasamsam ang isang brown paperbag na may tatak ng SN Store na naglalaman ng 4 knot-tied transparent plastic sachet na may white crystalline substance na hinihinalang shabu na 500 gramo ang timbang na siyang subject of buybust; isang white paper bag na may label na TOUS LES JOURS na may lamang namang 1 pc genuine One Thousand Peso Bill buy bust money na may serial number PQ833136 sa ibabaw Ng 5 bundle ng boodle money; isang wallet na may Identification Card, P100 bill at isang Infinix na smart phone.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 ng RA 9165 ang suspek sa piskalya sa lungsod ng Taguig. Dave Medina