Home NATIONWIDE Police provincial director sinampahan ng reklamo ng babaeng pulis

Police provincial director sinampahan ng reklamo ng babaeng pulis

126
0

MANILA, Philippines – Naghain ng pormal na reklamong administratibo ang isang babaeng pulis sa National Police Commission (Napolcom) laban sa isang police provincial director sa umano’y grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.

Sa sworn affidavit, idinetalye ng complainant ang serye ng mga insidente mula Pebrero at Marso 2026 sangkot ang hindi katanggap-tanggap na physical contact, hindi nararapat na mga salita, at aksyon na nagdulot sa kanya ng pagkabalisa.

Ang mga insidente aniya ay nangyari sa pagganap niya ng tungkulin at sa loob mismo ng bisinidad ng pulisya.

Sinabi pa sa affidavit na ang respondent na isang senior-ranking official ay sinasamantala ang kanyang mataas na posisyon na nagpalutang ng pangamba sa pang-aabuso sa kapangyarihan, kaligtasan sa trabaho at professional conduct sa police organization.

“The complaint is now under its jurisdiction and will undergo the proper administrative proceedings in accordance with existing laws and regulations,” saad sa pahayag ng Napolcom.

Iginiit ng Napolcom na ang mga ganitong reklamo, partikular kung sangkot ang mga babaeng pulis, ay hahawakan nang may urgency, impartiality, at due process. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here