Home NATIONWIDE Lava fountaining, ash clouds namataan sa Bulkang Mayon

Lava fountaining, ash clouds namataan sa Bulkang Mayon

128
0

MANILA, Philippines – Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Martes, Abril 7 ang mabilis na lava fountaining sa Bulkang Mayon.

Ayon sa PHIVOLCS, ang short-lived lava fountaining ay namonitor sa summit ng crater ng bulkan sa pagitan ng 8:39 ng umaga at 9:23 ng umaga.

Naglabas din ito ng ash clouds na umabot sa 300 metro ang taas.

Nitong Lunes, nakapagtala rin ang ahensya ng short-lived lava fountaining at minor strombolian activity sa Bulkang Mayon.

Kasalukuyan pa ring nakataas ang Alert Level 3 ng bulkan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here