Home METRO CDO city, isinailalim sa state of emergency; P400M calamity fund gagamitin vs...

CDO city, isinailalim sa state of emergency; P400M calamity fund gagamitin vs taas-presyo ng langis

175
0

CAGAYAN DE ORO CITY — Nagdeklara ang pamahalaang lungsod nitong Martes ng state of energy emergency at inaprubahan ang pagpapalabas ng P400 milyon mula sa calamity fund upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng tensyon sa Middle East.

Sa isang special session, inaprubahan ng City Council ang Resolution No. 2026-203 para matulungan ang iba’t ibang sektor na apektado ng patuloy na oil price hike.

Sa ilalim ng naturang hakbang, magbibigay ang lokal na pamahalaan ng hindi bababa sa PHP2,000 cash assistance sa mga kwalipikadong benepisyaryo, kabilang ang transport groups, farmers, fisherfolk, senior citizens, persons with disabilities, at solo parents.

Sa isang panayam, sinabi ni Majority Floor Leader Councilor Edgar Cabanlas na itinulak ng City Disaster Risk Reduction and Management Department ang resolusyon upang umayon sa naunang Executive Order 110 ng Pangulo, na nagdeklara ng state of national energy emergency.

“There was an opinion that we need to pass a resolution to align with the executive order so we can use the calamity fund,” aniya.

Ayon pa kay Cabanlas, limitado ang pondo at hindi ito ilalabas nang minsanan.

Samantala, sisimulan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pamamahagi ng fuel subsidies sa mga taxi driver at operator sa Miyerkules, Abril 8. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here