Home OPINION VP SARA BIKTIMA NG PULITIKAL NA INTRIGA

VP SARA BIKTIMA NG PULITIKAL NA INTRIGA

98
0

PATULOY ang pagtaas ng presyo ng petrolyo at lumalala ang krisis sa ekonomiya subalit mas abala ang House committee on justice sa pagtugon sa Impeachment laban kay kay Vice President Sara Duterte kaysa sa pagtulong sa mamamayan.

Iniutos ng komite, sa pangunguna ni Batangas Representative at Committee Chair Gerville Luistro, na dumalo si Ramil Madriaga sa Abril 14 at dalhin ang kanyang affidavit laban sa Pangalawang Pangulo kasama ang iba pang ebidensya.

Ayon sa subpoena, natanggap umano ni Madriaga ang confidential funds ng Office of the Vice-President at Department of Education mula 2022 hanggang 2023 at dinala sa mga kaibigan at kakilala ni VP Sara. Itinanggi ng Pangalawang Pangulo ang alegasyon at nagsampa ng perjury complaint laban kay Madriaga. Ibinunyag pa na bahagi ito ng kidnap-for-ransom group na may balak siyang patayin.

Imbes na siyasatin nang maingat ang kredibilidad ng testigo, pinipilit ng komite na maging sentro ng atensyon ang alegasyon, isang hakbang na mas mukhang pulitikal kaysa makatarungan. Maraming opinyon ang nagsasabi na si Luistro at ang kanyang komite ay nagiging tuta lamang ng Palasyo, anino ni House Speaker Martin Romualdez, at ginagamit ang impeachment bilang kasangkapan para sa kapangyarihan at pulitika.

Patuloy na tumataas ang presyo ng gasolina, humigit-kumulang P6.20 kada litro ang dagdag sa gasolina at P20 sa diesel, kaya nahihirapan ang ordinaryong Pilipino na makaraos. Imbes na tumutok sa tunay na pangangailangan ng tao, mas pinipili ng mga mambabatas lalo na si Luistro ang political theater na nagdudulot lamang ng dagdag na pasanin sa mamamayan.

Hustisya at serbisyo publiko ay nasusukat sa aksyon at malasakit hindi sa pagharang o pagmanipula ng testimonya ng isang kriminal. Malinaw na ang tunay na kasalanan ay hindi kay VP Sara kundi sa mga nasa kongreso na inuuna ang pulitika kaysa kapakanan ng bayan at mamamayan.

Kaya sa halalan, dapat alam ng mamamayan kung sino ang tunay na may malasakit sa taumbayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here