Home METRO Bangkay ng kelot na ginapos, nakaplastik mukha umalingasaw sa Pampanga

Bangkay ng kelot na ginapos, nakaplastik mukha umalingasaw sa Pampanga

154
0

PAMPANGA – Natagpuang patay ang isang 31-anyos na lalaki sa bahagi ng dike ng Porac-Gumain River sa Barangay San Jose Gumi, Lubao, Pampanga noong umaga ng Biyernes, Abril 3, ayon sa pulisya.

Positibong kinilala ng mga kamag-anak ang biktima. Sa inisyal na imbestigasyon, lumabas din na umano’y may dati itong record na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Gayunman, mariing kinondena ng kapatid ng biktima ang sinapit nito at iginiit na hindi lamang basta natagpuang patay ang lalaki kundi dumanas pa ng matinding paghihirap bago napatay.

“[M]y brother was not just found dead, he was tortured and killed. Ang kanyang mga kamay, paa, at leeg ay nakagapos, at ang kanyang ulo ay binalot ng plastic bag. Hindi lang ito basta kaso, isa itong brutal na krimen,” anang kapatid.

“May nakaraan ang kapatid ko, pero hindi ‘yun sapat na dahilan para gawin ito sa kanya. Tao pa rin siya, minamahal, at pamilya ng isang tao. Walang sinuman ang karapat-dapat na i-torture at patayin nang ganito,” dagdag nito. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here