MANILA, Philippines – PINAIGTING ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa ilegal na bentahan ng produktong petrolyo bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at epekto nito sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
Sa pamumuno ni PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief PNP, matagumpay na naisagawa ang isang operasyon noong Abril 7 sa Navotas Fish Port Complex na nagresulta sa pagkakaaresto ng siyam na indibidwal na sangkot sa ilegal na kalakalan ng diesel.







