Home NATIONWIDE Walang shortage sa gamot sa bansa – DOH

Walang shortage sa gamot sa bansa – DOH

131
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Health (DOH) na sapat pa ang suplay ng gamot sa bansa habang patuloy na mino-monitor ang presyo dahil sa krisis sa langis dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, dahil sa pagtaas ng gastos sa produksyon at logistics ay posibleng tumaas ang presyo ng gamot at iba pang produkto sa mga susunod na panahon lalo’t marami sa mga medical supply ay inaangkat pa mula sa ibang bansa.

Sa kabila nito, sinabi ng DOH na may nakahandang stockpile ng gamot para sa mga ospital at publiko kaya wala pang naitatalang kakulangan.

Bagamat inaasahang tataas ang gastusin ng mga mamamayan sa kanilang mga medical prescription, tiniyak naman ng DOH na tuloy-tuloy ang serbisyong pangkalusugan sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here