Home NATIONWIDE Kalahati ng mangingisda sa Luzon, tigil-operasyon sa mahal ng langis

Kalahati ng mangingisda sa Luzon, tigil-operasyon sa mahal ng langis

130
0

MANILA, Philippines – Halos kalahati ng mga marginal na mangingisda sa ilang lalawigan sa Luzon ang tumigil muna sa pangingisda dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) nitong Miyerkules.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, sinabi ni SINAG Executive Director Jayson Cainglet na nasa 50% ng mga mangingisda sa Cavite, Bataan, Zambales, at Pangasinan ang huminto sa pangingisda matapos ang pinakahuling oil price hike noong Abril 7.

“Last week, before the third major increase, about 30% had already stopped fishing. This week, after Tuesday’s hike, it rose to nearly 50%,” pahayag ni Cainglet sa mga mambabatas.

Ayon kay Cainglet, hindi pa lubos na nararamdaman ng mga mamimili ang epekto dahil tumutulong pa ang commercial fishers sa pagsu-supply sa merkado. Gayunman, sinabi niyang ang mga nagpapatuloy sa pangingisda ay nakakakuha na lamang ng 5 hanggang 10 kilo kada biyahe dahil hindi na nila kayang pumalaot nang mas malayo.

Dagdag pa niya, triple na ang gastos sa krudo at ito na ngayon ang bumubuo sa tinatayang 80% ng kanilang production expenses. Noong Martes, muling nagpatupad ang mga oil company ng malaking dagdag-presyo sa produktong petrolyo, na naging ika-13 sunod na linggo ng taas-presyo sa gasolina at ika-15 naman sa diesel at kerosene, kasabay ng tensyon sa Middle East.

Sinabi naman ng Department of Agriculture (DA) na sinimulan na nitong mamahagi ng P3,000 fuel vouchers sa mahigit 46,000 municipal fishers sa buong bansa at pinag-aaralan din ang P10 kada kilong subsidy para sa huli ng commercial fishers. Ngunit ayon kay Cainglet, “too small” ang fuel subsidy at may ilang mangingisda ring nahihirapang makasunod sa mga rekisito para makakuha nito.

“If assistance needs to be given through the intervention of the Senate and Congress, it should be provided immediately to those who can no longer go out to sea and whose catch is no longer being bought,” aniya.

“We’re not counting weeks or months—we’re counting days. They will suffer if this continues without comprehensive and targeted support,” dagdag pa niya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here