MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Miyerkules na posibleng magkaroon ng pagkaantala sa release ng mga bagong Philippine passport dahil sa “logistical and supply chain issues” na dulot ng digmaan sa Middle East.
Sa advisory, sinabi ng DFA Office of Consular Affairs na maaaring maapektuhan ng delay ang mga passport application na inihain simula noong huling linggo ng Marso 2026.
“In this regard, applicants are advised that the release of new passports may take 10 to 15 working days from the date of application until further notice,” ayon sa ahensya.
Sinabi rin ng DFA na ito ay “closely working with the third-party service provider for the printing of the ePassports on resolving the current delays and ensuring that passport operations normalize as soon as possible.”
Pinayuhan ang mga aplikanteng nangangailangan ng emergency o agarang consular services na makipag-ugnayan sa DFA OCA Aseana sa pamamagitan ng [email protected]
at [email protected], o tumawag sa mga consular office at DFA hotline para sa passport appointments at iba pang consular concerns.
Inilabas ang advisory kasabay ng kasunduan ng United States at Iran sa isang dalawang linggong ceasefire na pansamantalang magbubukas muli sa Strait of Hormuz, isang mahalagang daluyan ng pandaigdigang suplay ng langis at gas.
Nagdulot ito ng pagluwag sa presyo ng krudo matapos ang ilang linggong sigalot na nakaapekto sa suplay. Dave Baluyot