Home HOME BANNER STORY Ilang barko nakaraan na sa Strait of Hormuz matapos ang tigil-putukan ng...

Ilang barko nakaraan na sa Strait of Hormuz matapos ang tigil-putukan ng US-Iran

131
0

ATHENS, Greece – Naitala ang unang mga paggalaw sa Strait of Hormuz matapos ang dalawang linggong ceasefire agreement sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, ayon sa real-time ship tracking company na MarineTraffic.

Ayon sa ulat, ang Liberian-flagged cargo ship na Daytona Beach ay umalis mula sa Bandar Abbas port ng Iran noong 08:28 (oras sa Turkey) at tumawid sa Bosphorus bandang 09:59. Kasalukuyan itong nasa Gulf of Oman at patungong Fujairah Port sa United Arab Emirates.

Samantala, ang Greek-owned cargo ship na NJ Earth ay dumaan sa Strait of Hormuz bandang 11:44 a.m.

Kasama sa temporary ceasefire ang Estados Unidos, Iran, at Israel.

Matapos ang mga pag-atake ng US at Israel sa Iran noong Pebrero 28 at ang mga ganting-atake ng Iran sa ilang bansa sa rehiyon na nagpalala ng tensyon, inihayag ni US President Donald Trump ang pagtanggap sa ceasefire bandang 1:30 a.m. noong Abril 8.

Ayon kay Trump, may 10-point proposal na ipinadala ng Iran at ito ay maaaring maging batayan ng negosasyon. Sinabi rin niya na napagkasunduan ang dalawang linggong ceasefire kapalit ng pagbubukas ng Strait of Hormuz.

Samantala, sinabi ng Iranian Supreme National Security Council na “Iran has achieved its objectives in the war” at layunin nilang tapusin ang final negotiations sa Islamabad sa loob ng maximum na 15 araw. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here