MANILA, Philippines – Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng agarang suporta ng kanyang administrasyon sa overseas Filipino workers (OFWs) na nagbalik sa bansa sa gitna ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Ang pagtiyak ay ginawa ng Pangulo sa isinagawang fourth Private Sector Advisory Council (PSAC) Education and Jobs Sector Group meeting, araw ng Miyerkules, Abril 8.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos na ang suporta na ibibigay sa mga magbabalik na OFWs ay sa pamamamgitan ng ‘job matching, targeted upskilling, at entrepreneurship.’
“Ayon sa Pangulo, pinalalakas din ang digitalization at suporta sa MSMEs, kasabay ng pagpapabilis ng integrasyon ng artificial intelligence sa pamahalaan at sa buong ekonomiya ng bansa,” ayon sa kalatas ng Presidential Communications Office (PCO).
Binigyang diin ng Punong Ehekutibo na ang partnership ng gobyerno sa pribadong sektor ay naglalayong makapagbigay ng koordinado at mabilis na pagtugon sa epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan. (KRIS JOSE)