Home HOME BANNER STORY OVP, nagbabala vs pekeng account na nagpapanggap bilang si VP Sara

OVP, nagbabala vs pekeng account na nagpapanggap bilang si VP Sara

96
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Office of the Vice President (OVP) sa publiko laban sa mga indibidwal na umano’y nagpapanggap bilang opisina ni Vice President Sara Duterte sa messaging platform na Signal.

Sa isang pahayag, sinabi ng OVP na may mga ulat ng ilang users na ginagamit ang pangalan ng kanilang opisina nang walang pahintulot.

“Binibigyang-babala natin ang publiko hinggil sa mga mapanlinlang na gawain ng mga indibidwal na nagpapanggap bilang ako sa isang messaging platform na Signal,” ayon sa pahayag.

Paalala ng OVP, huwag makipag-ugnayan sa mga kahina-hinalang mensahe, huwag magbigay ng personal na impormasyon, at lalo na huwag magpadala ng pera.

“Kung makatanggap man ng kahina-hinalang mensahe… tandaan: huwag makipag-ugnayan, magbigay ng personal na impormasyon, at lalong-lalo na huwag magpadala ng pera,” dagdag nito.

Giit pa ni VP Sara Duterte, hindi siya kailanman hihingi ng anumang pabor, pinansyal man o hindi, sa publiko.

“Ako ay hinding-hindi humihingi ng anumang pabor, pinansyal man o hindi, sa publiko,” aniya.

Muling pinaalalahanan ng OVP ang publiko na maging maingat laban sa mga mapanlinlang na indibidwal na nananamantala sa sitwasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here