Home NATIONWIDE Pagpapalakas ng agricultural extension, food security system, isinusulong ni Pangilinan

Pagpapalakas ng agricultural extension, food security system, isinusulong ni Pangilinan

89
0

MANILA, Philippines – Hiniling ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa pamahalaan na gamitin ang kasalukuyang badyet at iba pang pondo sa agrikultura at food security programs upang gamitin bilang ayuda sa magsasaka at mangingisda na lubhang nalulumpo sa epekto ng global oil crisis.

Sa pahayag, nanawagan din ang senador na siyang chairman ng Senate committee on agriculture, food security and agrarian reform na palakasin ng pamahalaan ang kolaborasyon sa pribadong sektor upang mapatingkad ang sistema ng pagkain sa bansa sa gitna ang lumalalang tensiyon sa Gitnang Silangan.

Ganito ang naging pahayag ng mambabatas sa ginanap na pagdinig ng komite hinggil sa epekto ng presyo ng langis sa produksiyon ng pagkain nitong Miyerkoles, Abril 8.

Sinabi ni Pangilinan na malaki ang epekto ng sigalot sa Gitnang Silangan sa supply chain ng pagkain sa buong mundo na magpapadiskarel sa food system ng Pilipinas sanhi ng epekto nito sa presyo ng pagkain at suplay ng gatong, pataba at iba pang imports.

Inungkat ni Pangilinan sa  Department of Agriculture (DA), the Department of Finance (DOF), at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang posibilidad na gamktin  nag umiiral na pondo sa 2026 General Appropriations Act (GAA) upang kaagad tugunan ang tumataas na presyo ng gatong at pataba sa agrikultura at sektor ng pangisdaan.

“With the declaration of an energy emergency, the national government can access national disaster or calamity funds, which could serve as one possible funding source,” ayon sa senador.

Iginiit pa ng mambabatas na napapanahon ang paggamit ng pondo na magpapabilis sa suporta sa magsasaka at mangingisda kabilang sa pagbili ng inputs, post-harvest support, cold storage, at logistics infrastructure.

Hindi lamang cash assistance ang kailangan ng sektor ng agrikultura, kundi sa fuel at fertilizer subsidy para sa magsasaka at mangingisda. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here