Home TOP STORIES Pope Leo: Ceasefire ng US-Iran, dapat sundan ng usapang pangkapayapaan

Pope Leo: Ceasefire ng US-Iran, dapat sundan ng usapang pangkapayapaan

115
0

VATICAN – Pinuri ni Pope Leo nitong Miyerkules ang dalawang linggong ceasefire sa digmaan sa Iran, ilang oras matapos niyang tawaging “hindi katanggap-tanggap” ang banta ni US President Donald Trump laban sa populasyon ng Iran.

Ang Santo Papa, na kilala bilang isang hayagang kritiko ng digmaan sa mga nakaraang linggo, ay nagpahayag ng kasiyahan sa anunsyo ng ceasefire at hinimok ang patuloy na negosasyon upang tuluyang wakasan ang regional conflict.

Sinabi ng papa na tanging sa pagbabalik sa negosasyon makakamit ang pagtatapos ng digmaan.

Patuloy na pinalalakas ni Pope Leo ang kanyang kritisismo laban sa digmaan ng US at Israel laban sa Iran.

Matapos magbanta si Trump noong Martes na “isang buong sibilisasyon ang mamamatay ngayong gabi” kung hindi tutugon ang Iran sa mga kahilingan ng US para sa tigil-putukan, sinabi ng papa na ang naturang banta ay “tunay na hindi katanggap-tanggap.”

Bilang Santo Papa, na pinamumunuan ang 1.4 bilyong Katoliko sa mundo, bihira na direktang tumugon sa isang pandaigdigang lider. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here