Home METRO SC naglabas ng writ of kalikasan vs ilegal quarrying sa Angat River

SC naglabas ng writ of kalikasan vs ilegal quarrying sa Angat River

114
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang Korte Suprema (SC) nitong Miyerkules ng writ of kalikasan upang itigil ang ilegal na quarrying sa Angat River-Bustos Dam Forest Reserve sa Banaban, Angat, Bulacan.

Ayon sa press briefer, nagbigay din ang SC ng temporary environmental protection order (TEPO) na nag-aatas sa mga respondent na agad na itigil ang quarrying, paghuhukay, pagkuha ng lupa, o anumang aktibidad na maaaring magdulot ng karagdagang pinsala sa kapaligiran.

Ang writ of kalikasan ay isang legal na remedyo para sa mga tao, organisasyon, o grupo na ang karapatang konstitusyonal sa balanseng at malusog na ekolohiya ay nalalabag.

Ang Angat River-Bustos Dam Forest Reserve ay idineklarang protected forest land sa ilalim ng Proclamation 573 na inilabas ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong 1969.

Binanggit ng Korte Suprema ang precautionary principle at mga teknikal na natuklasan na ang mga aktibidad ng mga respondent ay “malaki ang naidulot na pagtaas ng surface runoff, erosion, at sedimentation sa loob ng watershed system.”

Ayon sa mga ulat, ang mga aktibidad na ito ay sumira sa mga pananim, halaman, at puno ng prutas na nagsisilbing tirahan ng wildlife.

Binanggit pa ng SC na ang pagbabago kahit sa isang bahagi lamang ng protected forest reserve o natural na tanawin nito ay nagbabanta sa katatagan ng Angat River-Bustos Dam watershed at nagdadala ng seryosong panganib sa buhay, kalusugan, at ari-arian ng mga residente sa ilang probinsya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here