Pasay City — Naghain si Senador Mark A. Villar ng Senate Resolution No. 366 na naglalayong ipatupad ng mga GOCC’s at institusyong pinansyal ang loan moratorium, grace period, at condonation ng penalties sa kanilang mga miyembro at pensioner.
Saklaw ng panukala ang mga ahensya at institusyong pinansyal tulad ng Social Security System (SSS), Pag-IBIG Fund, National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC), LandBank, at Development Bank of the Philippines (DBP). Layunin nitong magbigay ng pansamantalang ginhawa sa pamamagitan ng suspensyon ng pagbabayad ng loan, pagtanggal ng penalties, at mas flexible na mga terms sa pagbabayad.







