Manila, Philippines – Nagbabalik-YouTube si Jessy Mendiola–and what better way to start all over again than proudly introducing their forever home: ang Casa Manzano nila ng asawang si Luis.
Nito ngang huli nang muling magparamdam ang aktres.
Aniya, plano na nilang tirhan ni Luis ang naturang bahay makaraan ng limang taong palipat-lipat ng tirahan.
Balak nilang lipatan ito–which is located up north–anytime soon.
Pag nakapag-ipun-ipon pa daw ang mag-asawa’y target nilang kumuha pa ng properties sa bandang south naman.
Bahagi daw ng pagnanais nina Luis at Jessy na magkaroon ng sariling bahay ay may kinalaman sa kanilang anak.
“We want Rosie to have that sense of forever home,” ani Jessy.
Napagtanto naman ni Luis na: “Sa dami ng nilipatan namin, ang pinakamalaking learning ko ay ‘yung mga tao talaga sa loob is what makes it a home.”
Sang-ayon naman si Jessy.
“Homemaker talaga ang dream ko ever since noong bata ako. No matter how big or small it is, as long as you know it feels like home,” sey naman nito.
llan lang ito sa mga features ng Casa Manzano: living area with high ceiling;
May matataas na glass panel sa isang malaking bahagi ng wall kung saan makikita ang bilugang chandelier; Neutral color ang finishes kung saan ang disenyo’y mas maaliwalas ang dating;
May sliding glass door; Meron ding indoor garden na may iba’t ibang plant sizes na
matatagpuan sa gitna ng bahay; Finlex din ng mag-asawa ang mga silid kabilang ang master bedroom with wooden finishes.
Paglilinaw ni Jessy, patikim pa lang daw ‘yon! Ronnie Carrasco III