Home NATIONWIDE Mga panaderya sa Maynila, may P25,000 subsidy para sa price freeze sa...

Mga panaderya sa Maynila, may P25,000 subsidy para sa price freeze sa tinapay

114
0

MANILA, Philippines – Magkakaloob ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng P25,000 subsidy sa mga community bakery na papayag na panatilihing hindi magbabago ang presyo ng mga pangunahing tinapay ng mga Pilipino sa loob ng susunod na 30 araw, kasabay ng umiiral na price freeze sa basic at prime commodities.

Kabilang sa saklaw ng programa ang mga panaderyang magpapanatili ng presyo ng mga karaniwang tinapay gaya ng pandesal, pandilimon, monay, at Spanish bread.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, napilitan ang lungsod na magbigay ng ayuda dahil inaasahang tataas ang production cost, habang posibleng umabot sa P2,165 kada sako ang presyo ng harina.

Sa ilalim ng programa, sasagutin ng subsidy ang flour at yeast upang maipagpatuloy ng mga panaderya ang pagbebenta ng abot-kayang tinapay nang hindi nila pasan nang buo ang tumataas na gastos.

“Gusto kong matuto, kaya ko kayo pinatawag dahil gusto ko rin kayong tulungan, mga panaderya ng komunidad sa Lungsod ng Maynila,” ani Domagoso. “Ang pandesal is simbolo ng almusal ng pamilyang Pilipino — hindi ‘yan pang-mahirap lang ha, pati mayayaman.”

Ayon pa sa alkalde, hindi ito permanenteng solusyon sa pagtaas ng presyo kundi isang “government cushion” upang masuportahan ang mga panadero na aniya’y “the heart of the community.”

Dumating ang hakbang na ito habang sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na mananatiling walang dagdag-presyo sa basic necessities at prime commodities hanggang Abril 30.

Tiniyak din ni DTI Secretary Ma. Cristina Roque sa publiko na hindi kailangang mag-panic buying at walang inaasahang kakulangan sa suplay sa mga susunod na araw. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here