Home NATIONWIDE Mas malakas na suporta sa biofertilizer production, hirit ni Pangilinan sa DA

Mas malakas na suporta sa biofertilizer production, hirit ni Pangilinan sa DA

109
0

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa Department of Agriculture na ibuhos ang suporta sa produksiyon ng biofertilizer sa gitna nang lumalalang sighalot sa Gitnang Silangan na nagkaroon ng global oil crisis.

Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan, chairman ng Senate committee on agriculture, food security and agrarian reform na tuluyan nang lumala ang sigalot sa Gitnang Silangan kaya’t kailangan ng proactive solution sa epekto nito sa magsasaka.

“May mahigpit na pangangailangan na palakasin natin ang sariling produksiyon ng biofertilizaser bilang estratehikong tugon sa nababanaag na kakapusan ng pataba at tumataas na presyo,” ayon kay Pangilinan.

Bumisita ang mambabatas sa AgriSpecialist, Inc. (ASI) Bio N Manufacturing Plant sa Santa Rosa, Laguna noong nakaraang linggo kaya’t personal na natunghayan ang high-tech modern biofertilizer production facility na nagbibigay ng world-class biofertilizer.

Binanggit ng senador na malaki ang magiging epekto sa magsasaka sa patuloy na lumalalang tensiyon sa Gitnang Silangan na nagpapadiskarel sa ruta ng suplay na siyang nagpapatingkad sa pagbabago ng presyo ng pataba sa pamilihan kaya’t tumataas ang halaga ng farm inputs.

“We must reduce our dependence on imported chemical fertilizers. Hindi dapat sa tuwing may sigalot sa Middle East at krisis sa enerhiya at langis, ang ating mga magsasaka, mangingisda, at mamimili ang unang-unang natatamaan. Gutom at kahirapan ang magiging resulta kapag patuloy tayong magiging vulnerable sa mga sitwasyon na ito,” aniya.

“By investing in and promoting biofertilizer production, we not only cushion ourselves from global supply shocks but also empower our agricultural sector to become more resilient and sustainable,” giit pa ng senador.

Ginagawa ang bioferlizer mula sa beneficial organism at hindi nakakasira sa kapaligiran at murang alternatibo sa kumbensiyonal na patabang kemikal.

Aniya: ”expanding local production can help stabilize prices, improve soil health, and increase crop yields over time.”

“In particular, Bio N is proven to reduce synthetic nitrogen fertilizer use by 30% to 50%, directly addressing the urea supply and cost crisis faced by farmers. This microbial biofertilizer was developed by the University of the Philippines-Los Baños,” ayon sa mambabatas.

“Now more than ever, we must prioritize long-term solutions that protect both our farmers’ livelihoods and our nation’s food supply,” aniya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here