Home NATIONWIDE Pilot testing ng electric jeepney ng transport groups aarangkada na

Pilot testing ng electric jeepney ng transport groups aarangkada na

132
0
Pinangunahan nina National Press Club President Leonel Abasola at Vice President Benny Antiporda ang talakayan sa Meet the Press Weekly Forum na dinaluhan nina President, LCS Group of Companies Gov. Chavit Singson, National President Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas Orlando Marquez at Manila LGU, kung saan ay tinalakay ang mga programa para sa sektor ng transportasyon.Gamit ang mga electric jeepney Nakatakdang ilunsad ang pilot testing mula sa isang transport group sa Abril 13, 2026, dahil sa walang humpay na pagtaas ng produktong petrolyo na nagpapahirap sa mga tsuper.Ang e-jeepney ay fully air-conditioned, may 22-seat capacity, at nilagyan ng CCTV. Ayon kay Gov. Chavit Singson, siya ang nagdisenyo at nagpondo ng sasakyan partikular para sa transport sector. JOJO RABULAN

MANILA, Philippines – Inaasahang aarangkada ang pilot testing ng mga electric jeepney ng transport group sa Lunes Abril 13, 2026 bilang tugon sa malaking kinakaharap na suliranin ngayon sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa gitna ng krisis sa Gitnang Silangan.

Sa Meet the Press Weekly Forum ng National Press Club (NPC), sinabi ni Orlando Marquez, presidente ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas na masisilayan na sa pilot testing ang jumbo electric jeepney kung saan magkakaroon ng “Libreng Sakay” dito.

Ito ay may 17 ruta na iikot o babiyahe sa ilang bahagi ng Metro Manila kabilang ang Makati City hanggang Pasay City at pabalik; Mandaluyong City, Quezon City, Caloocan City, Malibay, Pasay, Mail of Asia hanggang Dasmariñas, Cavite; BGC Alabang patungong Muntinlupa City; Alabang Muntinlupa-Mall of Asia Pasay; Cubao-Marcos Highway; Baclaran-Divisoria; Mall of Asia -Manila City Hall-Espanya-Quezon Avenue-QC City Hall Circle; at Taguig City mula Boni hanggang Divisoria.

Ayon kay Marquez, ito ang ipinangako ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson na tutulungan ang hanay ng jeepney transport sector sa buong Pilipinas.

Pasado na aniya ang e-jeepney na idinisenyo at pinondohan ni Singson sa ‘international engineering safety standard’ at nais aniya sana ni Manong Chavit na manatili na pumapayagpag na tatakbo ito sa ating kalsadahan.

Ayon kay Marquez patay na o mahina na ang manufacturer sa industriya ng jeepney sa bansa kaya naman umaasa sila na ang tinaguriang pambansang sasakyan ng Pilipinas na 100% pure electric vehicle ay magagamit na ng mga komyuters.

Dahil posibleng hindi na maibabalik ang dating presyo ng petrolyo, sinabi ni Marquez na ito na ang maituturing na survival na sasagot sa industriya.

Samantala, sinabi naman ni Singson na ang e-jeepney na ito ay fully-air condition, 28 seater at may CCTV na nagkakahalaga ng P2.4 milyon at maaaring hulugan ng driver ng P3,000 kada araw kung sila ay mag-a-avail nito.

Maglalabas sila ng 42 e-jeepney sa Lunes na bibiyahe sa mga nabanggit na ruta at target din nila na magdeploy sa mga interconnectivity route.

Samantala, sinabi naman ng kinatawan ng Manila LGU na si Alfredo Lacbayo na malaki ang naitulong ng limang araw na inisyatiba ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Manila Mayor Isko Moreno -Domagoso dahil sa Libreng sakay.

Sinabi ni Lacbayo na hindi lamang ang mga jeepney driver ang nakinabang kundi maging ang mga komyuter kung saan umabot sa mahigit 900,000 pasahero ang naserbisyuhan nito.

Hirit na taas-pasahe ng jeepney drivers

Dahil sa nararanasan na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa, iginiit ng transport group ang dagdag pasahe at sapat na subsidiya.

Iginiit ng ilang transport group ang pangangailangan ng dagdag pasahe at mas malaking subsidiya sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon sa kanila, hindi sapat ang kasalukuyang tulong ng pamahalaan upang matugunan ang gastusin sa operasyon, lalo na’t nananatili sa P13 ang minimum na pamasahe sa jeepney.

Sinabi rin ng grupo na matagal nang hindi naaayos ang sistema ng pamasahe kumpara sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.

Dahil dito, umaapela sila sa gobyerno na muling pag-aralan ang fare structure at tiyaking may sapat na suporta ang sektor ng transportasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here