Home NATIONWIDE Petisyon ni Discaya vs indictment sa ghost projects ibinasura ng SC

Petisyon ni Discaya vs indictment sa ghost projects ibinasura ng SC

110
0

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema (SC) ang petition for certiorari na isinampa ng contractor na si Sarah Discaya kaugnay ng kanyang pagkakasangkot sa graft at malversation na may kaugnayan sa mga ghost projects, dahil ang petisyon ay wala nang saysay matapos umabot ang kaso sa lokal na hukuman.

Sa en banc session noong Abril 8, binanggit ng SC na suportado ng matibay na ebidensya ang mga natuklasan ng Office of the Ombudsman laban kay Discaya kaugnay ng P96.5 milyon na irregular na proyekto sa imprastruktura sa Davao Occidental.

Disyembre 2025 nang magsampa ang Ombudsman ng mga kaso ng graft at malversation sa pamamagitan ng falsification of public documents sa Digos City Regional Trial Court (RTC), isa sa mga espesyal na hukuman na itinalaga ng SC para hawakan ang mga kaso ng katiwalian sa imprastruktura.

Ayon sa SC, naglabas ang Digos City RTC ng warrant of arrest laban kay Discaya, dahilan upang mawalan ng saysay ang kanyang petisyon.

Bagamat may mga eksepsyon upang maprotektahan ang karapatang konstitusyonal, panatilihin ang maayos na hustisya, o kung ang mga kaso ay walang basehan, sinabi ng SC na hindi naipakita ni Discaya ang alinman sa mga eksepsyon na ito.

Dagdag pa rito, binanggit ng SC na ang public prosecutor lamang, hindi ang hukuman, ang may eksklusibong awtoridad na magpasya sa probable cause sa panahon ng preliminary investigation. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here