Home ENTERTAINMENT Dennis, nawindang sa P10k full tank!

Dennis, nawindang sa P10k full tank!

122
0

Manila, Philippines – Maging ang established actor na si Dennis Trillo is able to identify himself with ordinary motorists affected by oil price hike.

Idinaan ng Kapuso actor sa kanyang Facebook account ang kanyang karaingan makaraang magpa-gas up.

Nagtatakang nawindang na tanong ng mister ni Jennylyn Mercado: “P10k na pala magpa-full tank ngayon? Whew…sana temporary lang ‘to!”

Naka-relate naman sa kanya ang mga netizens batay sa kanilang mga comments.

Sey nila: “Kahit isang Dennis Trillo, umaaray din. What more ‘yung nasa laylayan (sad face emoji)!”

“Kaya P20 na lang ang nauuwi ng mga driver. Minsan wala pa.

“Kawawang mga Pinoy. Wala sa atin ‘yung giyera pero parang tayo ang hinambalos!”

“Grabe, dinaig pa ng Pinas ‘yung mga bansang mas malapit sa bansang merong giyera!”

Summing it all up, paano na raw ‘yung ibang taong hindi ganoon kalaki kung kumita?

Dati daw kasi’y less than P5k magpa-full tank, ngayon dumoble na!

lisa lang ang kahilingan ng sambayanan–magwakas na daw ang digmaan sa Gitnang Silangan: “Peace na lang para masaya!”

Oo nga naman, let there be peace on earth–sabi nga sa awitin. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here