Home NATIONWIDE Posibleng sabwatan ng oil companies sa pagsirit ng presyo ng langis nais...

Posibleng sabwatan ng oil companies sa pagsirit ng presyo ng langis nais paimbestigahan ni Garin

119
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin na kailangang imbestigahan ang posibleng sabwatan ng mga kompanya ng langis sa nangyayaring lingguhang fuel price adjustments.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Garin na nakikipag-ugnayan na ang DOE sa  Philippine Competition Commission (PCC) na i-tsek kung mayroong ”anti-competitive behavior” o sabwatan sa mga kompanya ng langis.

”I think ang issue is nag-uusap-usap ba sila kung ano iyong oil price hike. That is a behavior that should be investigated ‘noh. At kinausap po namin iyong PCC to check kung mayroon ngang anti-competitive behavior po among them,” ang sinabi ng Kalihim.

Para sa DOE, maaari itong magbigay ng impormasyon na kakailanganin ng PCC.

Ipinanukala rin nito na ito na ang tamang panahon para repasuhin ang sistema para sa pag-adjust ng presyo ng fuel product.

Sa ulat, pinasisilip ni Marikina City Rep. Miro Quimbo sa PCC o Philippine Competition Commission at Energy Regulatory Commission (ERC), ang posibleng collusion ng mga big oil companies.

Ayon kay Quimbo, ang weekly adjustment sa presyo ng petrolyo ay mistulan ng cartel-like behavior.

Sa Legislative Energy Action and Development (LEAD) Joint Committee hearing, sinabi ni Dep’t of Economy, Planning and Dev’t Sec. Arsenio Balisacan na gampanan din mga regulators ang kanilang kapangyarihan para sa patas na presyohan.

Para kay Quimbo, napapanahon ang mahigpit na enforcement ng PCC at ERC lalo na sa nangyayari ngayong oil na dulot ng Middle East tension.

Iginiit ng mambabatas na kahit na deregulated ang oil industry, may sapat namang mekanismo ang pamahalaan para sawatain ang anti-competitive practices.

Para kay Quimbo, napakalaki ng impact sa presyohan kung masa-sawata ang kutsabahan o collution sa hanay ng oil players. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here