Home ENTERTAINMENT Dong, nanawagan sa Batangas forest fire; Ate Vi, tumugon!

Dong, nanawagan sa Batangas forest fire; Ate Vi, tumugon!

128
0

Manila, Philippines – Hindi lang isang aktor na may malasakit sa industriya si Dingdong Dantes–masasabing isa din siyang concerned environmentalist.

Hindi basta-bastang maka-kalikasan kundi iniisip din ang posibleng peligro ng anumang sakuna sa buhay at kabuhayan ng tao.

Over the Holy Week, nanawagan ang Kapuso actor sa pamahalaan ng Batangas dahil sa forest fire sa Mount Batulao.

Ani Dingdong sa kanyang Facebook account, pinadalhan siya ng video ng isang kaibigan showing the huge fire in progress sa Barangay Cahil, Calaca.

Post ni Dong: “Sharing this immediate awareness, in case verification or response is needed.”

Moments later, Dingdong took it down after receiving a message from Batangas Governor Vilma Santos-Recto herself.

Nagpadala na raw ng responde ang aktres-pulitiko sa apektadong lugar.

Ani Dong: “I received a message from Governor Vilma Santos shortly after I posted about what appeared to be a possible forest fire in Mount Batulao. She confirmed that proper authorities are already on top of the situation.”

Thankful ang aktor sa agarang responde ng mga awtoridad at sa mga netizens na nagbahagi ng impormasyon para mapag-ingat ang publiko.

In return, nagpasalamat din ang mga taga-Calaca kay Dingdong sa paghahatid ng impormasyon mula sa kanyang kaibigan. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here