MANILA, Philippines – Patuloy na nananawagan si Batangas Rep. Leandro Leviste sa administrasyong Marcos na tuwiran ng ibaba ang Value-Added Tax (VAT) bilang tulong sa mamamayang Pilipino sa gitna ng krisis sa langis.
Si Leviste, kasama ang iba’t ibang kinatawan mula sa sektor ng agrikultura ang ngayon ay nasa Liwasang Bonifacio upang manawagan na tugunan na ang pagpapababa o tuwirang pagsuspendi sa VAT.
“Narito tayo ngayong Day 3 sa Liwasang Bonifacio. Umaasa ako na diringgin ng gobyerno ang ating lumalakas na panawagan. Hindi tayo titigil hangga’t hindi naibababa ang VAT at hindi naaayos ang tugon ng gobyerno sa krisis sa langis,” ani Leviste.
Kasama ng batang kongresista ang mga magsasaka, mangingisda at mga tsuper mula sa Batangas upang manawagan na suspedihin ang VAT sa langis at mapababa ang presyo nito.
“Farmers, fisherfolk, tricycle drivers, and others from Batangas are now on their third day in Liwasang Bonifacio, calling for the government to suspend the VAT on fuel and lower fuel prices. Many livelihoods have become unviable because of the government’s inadequate response.”
Nagbanta pa ang mambabatas na magpapatuloy ang pagtitipon sa Liwasang Bonifacio at aniya’y marami pang Batangueno ang bababa ng Maynila upang sumusporta sa panawagang ibaba ang presyo ng langis na labis na nagpapabigat ngayon sa buhay ng mga Pilipino.
“They will continue to protest for as long as the VAT is not lowered and the oil crisis is not adequately addressed. More from Batangas are coming every day, and I support their cause. The government recognizes that more can and should be done. I believe that with more public clamor, more decisive action will be taken, including lowering the VAT, and until then, these activities will not stop.” Meliza Maluntag