Home ENTERTAINMENT Awra, tinawag na Bronny, gumanti!

Awra, tinawag na Bronny, gumanti!

130
0

Manila, Philippines – Awra Briguela has never been this defiant toward her bashers.

In her latest post, binuweltahan ni Awra ang kanyang mga haters makaraang tawagin siyang “Bronny James” na sinakyan naman niya.

In yellow and purple basketball jersey which she turned into a corset with skirt, buong tapang na nag-pose si Awra sa camera na may hawak na bola.

Isang pro ramp model lang ang peg!

Hindi napigilan ni Awra na supalpalin ang kanyang mga bashers: “Say it again…but this time louder while I pose. #BronnyJames.”

Hirit pa ni Awra: “If you can’t beat them, join them!”

Hindi lingid sa kaalaman ng mga

netizens na naba-bad trip si Awra sa tuwing tinatawag na Bronny, anak ng NBA player na si Lebron James.

Bilang pang-inis, pinangatawanan na lang nga ito ni Awra…belaaat! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here