Home METRO 2 paslit dedo sa abandonadong kotse sa Olongapo

2 paslit dedo sa abandonadong kotse sa Olongapo

106
0

ZAMBALES, Philippines – Masaklap ang naging kamatayan ng dalawang 4 anyos na mga lalaking paslit, matapos ma-trap o makulong ang mga ito sa loob ng isang sira at abandonadong kotse na nakaparada sa isang pribadong lote nitong miyerkules, April 8, 2026 sa Barangay Barreto, Olongapo City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nakunan ng CCTV sa lugar dakong alas 11:15 ng tanghali na naglalaro ang mga bata at pumasok sa sirang kotse.

Alas 2:00 ng hapon ng madiskubre ang mga biktima sa loob ng kotse ang dalawang bata na Wala ng malay kung saan isinugod ang mga ito sa pagamutan.

Ideneklarang dead on arrival ang isa sa mga ito, habang kalaunan binawian din ng buhay bandang alas 11:00 ng gabi ang isa pang biktima.

Sa imbestigasyon, iniwan at inihabilin umano ang mga paslit sa kanilang pinsan na 10 anyos na dalaginding na siya din umanong nakadiskubre sa kinaroroonan ng mga bata.

Napag-alaman na ang isa sa mga buktima na tiga- San Antonio, Zambales ay nagbabakasyon lang sa kanyang lola ng maganap ang trahedya. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here