MANILA, Philippines – Aabot sa dalawang milyong piso ang pabuya ng Philippine Drugs Enforcement Agency ( PDEA ) sa tipster ng naging matagumpay na operasyon laban sa mga nagtutulak ng ilegal na droga.
Ito ang naging pahayag ni Assistant Secretary Renato Gumban, PDEA Deputy Director General for Operations kasunod ng pag aaward sa pitong confidential informants nito ng P1.18 million cash incentives sa ilalim ng Operation: Private Eye (OPE) program ng kanilang ahensya.
Ang pitong confidential informants ay nagbigay ng intelligence reports na nagresulta sa siyam na “high-impact anti-drug operations” at pagkakakumpiska ng higit sa 13 kilo ng methamphetamine hydrochloride o mas kilala bilang shabu, ang “poor man’s cocaine”.
Nilinaw naman ni Asec Gumban na ang mga rewards para sa PDEA-led operations na aabutin ng P2 milyon ay nakadepende sa volume ng drugs na nakumpiska.
Sinabi pa ni ASEC Renato Gumban, PDEA deputy director general for operations, na ang proseso ng awarding ng reward ay nasa patnubay ng committee na binubuo ng PDEA officials at mga kinatawan mula sa academe, religious, at labor sectors.
Para sa proteksyon, ang mga informants ay identified lamang sa code names at nakasuot ng face masks nang personal na tanggdpin ang kanilang rewards sa “secured setting”.
Dahil dito ang mga magiging recipients ay sasailalim ng fingerprint verification para tiyaking mga legitimate informants ang tatanggap ng pabuya.
Naglalaan ang PDEA ng hanggang o P12 milyon para sa OPE informants, at panibagong P12 milyon, quarterly, para sa law enforcers, na mayroong additional incentives para sa major hauls o malalaking huli at pagkakasamsdm.
Pinapurihan ni Asec Gumban ang mga informants sa pagsasabing ang kanilang katapangan at dedikasyon ay direktang nskakatulong sa ikaliligtas ng mga buhay, at proteksyon ng komunidad.
“Ang labang ito ay para sa lahat ng Filipino; lahat tayo ay may role in building a safer, healthier Bagong Pilipinas,” sabi pa ni Asec Gumban. (Dave Medina)