Home NATIONWIDE ‘Safer Cities’ drive, ‘di anti-poor – Malakanyang

‘Safer Cities’ drive, ‘di anti-poor – Malakanyang

99
0

MANILA, Philippines – Naniniwala ang Malakanyang na ang inisyatiba ng gobyerno na “Safer Cities” ay hindi anti-poor.

Layon lamang naman kasi nito na protektahan ang bawat filipino.

Kaya nga hayagang binasura ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang obserbasyon ng ilan na ang polisiya na ipinatutupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ay anti-poor at elitista.

Ang pagdisiplina sa mga kabataan ayon kay Castro ay hindi ‘anti-poor.’

Tinukoy nito na ang mga ordinansa ay umiiral at ipinatutupad lamang ng DILG ang mga ordinansang ito.

“Unang-una po ito’y matagal ng mga ordinansa. Pinapatupad lamang po ng DILG,” ang sinabi ni Castro.

“Hindi naman po ibig sabihin ng pagdidisiplina sa mga kabataan para mas maging safe sila at protected ay anti-poor na. Hindi po lahat ng pagdidisiplina ay sasabihing anti-poor, ito po ay para sa proteksiyon ng bawat Pilipino,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, hindi naman lingid sa kaalaman ng Malakanyang ang tendensya na pang-aabuso sa awtoridad sa implementasyon. Kaya nga ang panawagan ni Castro sa publiko ay agad na isumbong ang ganyang pang-aabuso.

“Sa lahat ng nang-aabuso, ngayon palamang po ay isumbong ninyo po agad para po maproteksyunan din ang mga inaabuso at mapanagot ang mga otoridad na nang-aabuso ng kanilang kapangyarihan,” ang winika ni Castro.

Samantala, kabilang sa Safe Cities drive ang mahigpit na pagpapatupad ng lahat ng ordinansa ng lokal government units (LGUs), ang paggamit ng videoke ng lagpas sa als-10 ng gabi at curfew para sa mga menor de edad. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here