Home HOME BANNER STORY Malaking tapyas sa presyo ng diesel, posibleng umabot ng P10.80/L

Malaking tapyas sa presyo ng diesel, posibleng umabot ng P10.80/L

120
0

MANILA, Philippines – Posibleng bumaba ang presyo ng diesel ng hanggang ₱10.80 kada litro sa susunod na linggo dahil sa inaasahang resulta ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Ayon sa isang source sa industriya noong Biyernes, ang rollback sa diesel ay maaaring umabot mula ₱8.80 hanggang ₱10.80 kada litro, mas malaki kaysa sa naunang tantiya.

Ang gasolina naman ay maaari ring bumaba ng ₱1.50 kada litro o posibleng manatiling walang pagbabago.

Matapos ang ilang linggong pambobomba, inanunsyo ni US President Donald Trump ang tigil-putukan sa pagitan ng Amerika at Iran, na nakatulong magpakalma sa presyon ng presyo ng langis.

Gayunman, sinabi ng mga lokal na industry players na maaaring panandalian lamang ang pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel dahil sa patuloy na kawalang-katiyakan sa sitwasyon sa oil-producing region. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here