Home NATIONWIDE Kyusi nabalot ng haze

Kyusi nabalot ng haze

123
0

MANILA, Philippines – Namataan ang haze sa ilang lugar sa Quezon City nitong Sabado, Abril 11.

Ayon sa report, ang kondisyon ay dulot ng temperature inversion, na nangyayari kapag ang layer ng hangin ay natatrap ang pollutants katulad ng polusyon mula sa sasakyan, alikabok, at iba pang particles.

Sabado ng hapon ay umabot sa ‘unhealthy to very unhealthy levels’ ang kalidad ng hangin sa ilang bahagi ng Quezon City.

Samantala, sinabi ng mga awtoridad na ang baze ay posibleng may kaugnayan din sa malaking sunog sa Navotas Sanitary Landfill, na mahigit 20 oras nang nasusunog.

Dahil dito ay inabisuhan ng lokal na pamahalaan ang publiko na magsuot ng face mask at limitahan muna ang outdoor activities. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here