MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga Filipino sa Lebanon na samantalahin ang government repatriation efforts kasabay ng pagtindi ng tensyon sa mga pag-atake ng Israeli forces sa nasabing bansa.
Nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa Lebanon dahilan para himukin ng pamahalaan ang voluntary repatriation ng overseas Filipino workers (OFWs) pauwi ng Pilipinas.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay libo-libong Filipino ang kasalukuyang nasa Lebanon.
Handa namang tumulong ang DMW sa mga Filipino sa Lebanon at iba pang bahagi ng Middle East na magpapalista para sa repatriation at inihanda naman ang chartered flights ng pamahalaan. RNT/JGC