MANILA, Philippines – Minomonitor ng Department of Health (DOH) ang nasa 10 iba’t ibang gamot na posibleng maapektuhan ng tensyon sa Middle East.
Nitong Biyernes, Abril 10, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na kabilang sa mga gamot na inilagay sa monitoring ay ang anti-hypertensive medicine, anti-diabetes medicine, anti-cholesterol medicine, at antibiotics, kasama ang iba pa.
“Babantayan na namin weekly para makita natin walang nagsasamantala. Our problem is what happens to the price. If the companies abroad start charging for the transport,” ani Herbosa.
Nilinaw niya na wala namang isyu sa presyo o suplay ng mga gamot sa kasalukuyan.
Mayroon ding drug price monitoring index ang bansa at ang common medicine prices ay pinananatili sa ilalim ng Cheaper Medicines Act.
“So, minomonitor namin yan. Nagsasubmit yung mga supplier, yung mga botika, yung mga pasyente, kung ano yung presyo ng mga gamot at pinapublish namin yan,” pagbabahagi pa ni Herbosa. RNT/JGC