Home HOME BANNER STORY NBI website, pansamantalang offline sa paglipat sa bagong internet provider

NBI website, pansamantalang offline sa paglipat sa bagong internet provider

178
0

MANILA, Philippines – Nagkaroon ng pansamantalang downtime ang opisyal na website at ilang online services ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Linggo ng gabi dahil sa kasalukuyang paglipat nito sa bagong Internet service provider (ISP).

Sa pahayag ng NBI, naapektuhan ang access sa kanilang website (nbi.gov.ph), kabilang ang Online Clearance Application Portal at official email services.

Ayon sa Technology and Infrastructure Division (TIND), naganap ang aberya habang isinasagawa ang migration sa bagong internet provider.

“In simple terms, the issue involves the system that directs users to the correct NBI servers online. During the transition, the connection from the previous provider was unexpectedly cut before the new system was fully activated, causing the services to go offline,” paliwanag ng NBI.

Kabilang sa mga naapektuhang serbisyo ang opisyal na website, online clearance application portal, at internal at external email systems ng ahensya.

Iginiit ni NBI Director Melvin Matibag na ang aberya ay “purely technical in nature and not the result of any security breach,” at nananatiling ligtas ang kanilang mga sistema.

Humingi rin siya ng paumanhin at pang-unawa sa publiko habang tinatapos ang paglipat tungo sa mas maayos at mas matatag na digital infrastructure.

Tiniyak ng NBI na patuloy na nagtatrabaho ang kanilang technical teams upang maibalik agad ang buong serbisyo.

Dagdag pa nito, nakikipag-ugnayan sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT) upang masigurong maayos ang system configuration at maiwasan ang karagdagang aberya.

Magbibigay naman ang NBI ng update sa oras na ganap nang maibalik ang kanilang mga serbisyo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here