Home HOME BANNER STORY Impeachment vs VP Sara, itutuloy sa kabila ng mga petisyon sa SC

Impeachment vs VP Sara, itutuloy sa kabila ng mga petisyon sa SC

119
0

MANILA, Philippines – Nanindigan ang House Committee on Justice na hindi sila apektado ng mga petisyong inihain sa Korte Suprema na humihiling na ipatigil ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House Deputy Speaker Paolo Ortega V, ang proseso ay isinasagawa alinsunod sa Konstitusyon at mga patakaran ng Kamara.

“Hindi kami naaapektuhan ng mga petisyon. Tuloy ang proseso hangga’t walang utos na pumipigil dito,” ani Ortega.

“The committee remains unperturbed. We will proceed based on the Constitution, the rules, and the evidence before us,” dagdag niya.

Nauna nang humiling si Duterte at isang grupo ng mga abogado sa Supreme Court na maglabas ng temporary restraining order (TRO) upang ipatigil ang impeachment hearings sa House of Representatives.

May hiwalay ding petisyon mula sa 17 indibidwal na humihiling na isama sila bilang petitioners at maglabas din ng TRO laban sa mga pagdinig.

Ayon kay Ortega, ang pagdinig ay pagkakataon para kay Duterte na maipaliwanag ang kanyang panig.

“Ito na ang pagkakataon para maipresenta ang kanyang panig. Kung sinasabi niyang inosente siya, narito ang tamang forum para patunayan iyon,” aniya.

Hindi pa dumadalo si Duterte sa mga pagdinig mula nang magsimula ang proseso. Nauna nang nagbabala ang komite na ang patuloy niyang pagliban ay maaaring ituring na paglabag sa Konstitusyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here