Home METRO Trak na may kargang 5,400L ng ilegal na fuel, nasabat sa Albay...

Trak na may kargang 5,400L ng ilegal na fuel, nasabat sa Albay port

108
0

ALBAY, Philippines – Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang trak na may dalang humigit-kumulang 5,400 litro ng petroleum products na walang kaukulang permit sa Tabaco Port sa Tabaco City, Albay nitong Sabado.

Ayon kay Lt. j.g. Earl D. Cacho, commander ng Coast Guard Sub-Station sa Tabaco, na-intercept ang sasakyan bandang 11:15 a.m. sa isinagawang random K9 inspection at routine check ng outbound cargo.

Patungo sana sa San Andres, Catanduanes ang trak, ngunit nagduda ang mga awtoridad na ito ay may kargang gasolina o katulad na produktong petrolyo.

Ayon sa deklarasyon, ang kargamento ay semento, sako ng bigas, at solar panels, ngunit sa inspeksyon ay natuklasang petroleum products ang laman nito.

Kinustodiya ng mga awtoridad ang 54-anyos na drayber at 35-anyos nitong helper, na kapwa residente ng Barangay Mabini, Caramoran, Catanduanes.

Una itong hinawakan ng Philippine Ports Authority bago inilipat sa PCG para sa imbestigasyon.

Nagbabala si PCG District Commander Commodore Ivan Roldan na hindi palalampasin ang ilegal na transportasyon ng petroleum products, at patuloy ang kanilang pagbabantay sa pagpapatupad ng batas sa mga pantalan at baybaying lugar. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here