WASHINGTON, USA – Sinabi ni US President Donald Trump noong Linggo na “hindi siya tagahanga” ni Pope Leo XIV matapos manawagan ang lider ng Simbahang Katolika ng kapayapaan.
“I’m not a big fan of Pope Leo. He’s a very liberal person, and he’s a man that doesn’t believe in stopping crime,” ani Trump sa panayam sa Joint Base Andrews sa Maryland
Inakusahan din niya ang Santo Papa na “toying with a country that wants a nuclear weapon.”
Samantala, mariing nanawagan si Pope Leo XIV ng kapayapaan sa isang talumpati noong Sabado, kung saan hinimok niya ang mga tao sa buong mundo na yakapin ang pagmamahal, moderation, at mabuting pamamahala.
“Enough of the idolatry of self and money! Enough of the display of power! Enough of war! True strength is shown in serving life,” aniya sa kanyang mensahe sa prayer vigil para sa kapayapaan sa St. Peter’s Basilica.
Binigyang-diin din ng Santo Papa ang kahalagahan ng pananampalataya upang harapin ang kasalukuyang krisis sa mundo.
Si Pope Leo XIV, na nahalal noong Mayo matapos ang pagkamatay ng kanyang naunang si Pope Francis, ay kilala bilang isang moderate at tagapamagitan. Ngunit kamakailan ay mas naging matindi ang kanyang panawagan laban sa mga digmaan, lalo na sa patuloy na tensyon sa Middle East.
Paulit-ulit niyang hinihikayat ang pagpapababa ng tensyon at paghahanap ng diplomatikong solusyon sa hidwaan sa pagitan ng US, Israel, at Iran. RNT/MND