Home HOME BANNER STORY Jonvic humingi ng tawad sa pag-aresto sa obrerong topless

Jonvic humingi ng tawad sa pag-aresto sa obrerong topless

100
0

MANILA, Philippines – Humingi ng tawad si Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Lunes, Abril 13 matapos arestuhin ang isang construction worker na walang suot pang-itaas sa Safer Cities Initiative operation sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

“May nakita akong feedback sa social media na may umangal taga-Barangay Addition Hills na naghahalo lang ng semento at siya ay inaresto,” sinabi ni Remulla sa press briefing.

“Ako po ay humihingi ng paumanhin at pupuntahan ko po siya sa mga susunod na araw para personal na humingi ng paumanhin,” dagdag pa niya.

Batid ni Remulla na walang malinaw na panuntunang naibigay sa pulisya sa pagpapatupad ng Safer Cities Initiative.

“It was my fault that I did not give clearer instructions on how to implement the Safer Cities Initiative. Nagkulang po ako roon. Ang tanging hangarin ko ay patahimikin ang mga kalye,” ani Remulla.

“Ngunit dahil sa kakulangan ng aking paliwanag, kahit sino na lang na walang t-shirt ay dinampot. Mali po iyon. Nagkamali po kami roon,” dagdag pa ni Remulla.

“I will make amends and ensure that this is clarified.”

Ani Remulla, sasailalim sa pagsusuri ang naturang polisiya ngunit iginiit na magpapatuloy ang Safer Cities Initiative.

Noong Abril 6, inanunsyo ni Remulla ang mahigpit na pagpapatupad ng pagbabawal sa pag-inom ng alak sa pampublikong lugar, kasama ang iba pang hakbang sa ilalim ng Safer Cities Initiative.

Nitong Linggo, iniulat ng Philippine National Police (PNP) ang kabuuang 61,549 kaso ng paglabag na naitala mula Abril 6 hanggang 11. Karamihan dito ay ang pag-inom at paninigarilyo sa pampublikong lugar sa 18,904 insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here