Home NATIONWIDE Sunog sumiklab sa convenience store sa Olongapo

Sunog sumiklab sa convenience store sa Olongapo

90
0

MANILA, Philippines – Sumiklab sa sunog ang isang convenience store sa Barangay West Bajac-Bajac, Olongapo City nitong umaga ng Linggo, Abril 12, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Sinabi ni Fire Officer 2 Jayferson Liwag na nakatanggap ng report ang mga awtoridad na mayroong commercial fire sa isang branch ng Uncle John’s sa Ulo ng Apo bandang 11:05 a.m.

Agad na rumesponde ang mga bumbero at idineklarang under control ang sunog pagsapit ng 11:09 ng umaga.

“It was brief; it was just very smoky,” ani Liwag.

Posibleng nagsimula umano ang sunog sa frozen beverage dispenser sa loob ng tindahan.

Wala namang iniulat na nasaktan sa insidente.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang malaman ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala sa ari-arian. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here